|
IMUS PILOT pinarangalan sa Gawad IMUSENYO! Nakatanggap ng mga parangal ang Imus Pilot Elementary School sa ginanap na taunang Gawad IMUSENYO noong ika - 25 ng Hunyo 2019. Ilan sa mga parangal na nakamit ng paaralan ay ang Most Effective Eco- Friendly School, Most Effective School Based Feeding Program, at ang pinaka mataas na parangal ay ang Best Performing School.
Nakilala at naparangalan din ang ilan sa mga magagaling na guro sa IPES tulad ni Mrs. Marivic L. Reyes para sa Best School Paper Adviser at si Mrs. Jomina D. Huerto para sa Outstanding Public Elementary School Teacher. IPES, Palaging Handa! Nitong nakaraang Huwebes, ika-20 ng Hunyo 2019. Naglunsad ang pamunuan ng NDRRMC katuwang na din ang mga pampubliko at pribadong mga paaralan ng ika-2nd quarter ng National Earth Quake Drill. Nakiisa dito ang Imus Pilot Elementary School sa pamumuno ni G. Romeo S. Samson. Natagumpay na naisagawa ng mga mag-aaral at guro ang earthquale drill at makikitaan ng kahandaan ang bawat isa.
|
OPLAN BALIK ESKWELA Opisyal na nga na nagsimula ang unang araw ng pasukan noong ika-3 ng Hunyo 2019 sa Imus Pilot Elementary School. Marami sa mga mag-aaral ang nakakitaan ng kagalakan sapagkat makikita na naman nila ang kanilang mga kaklase. Nagagamit na din ang ilang sa mga bagong tayong silid-aralan kaya naman isa ito sa nagpadagdag ng excitement sa mga bata.
|
BRIGADA ESKWELA 2019 Nagsimula na nga ang taunang Brigada Eskwela sa iba't ibang pampublikong paaralan sa bansa. Katuwang ang mga magulang, ilang mga pampubliko at pribadong sektor, nasimulan na ang pagpapaganda at pagsasaayos ng mga ilang lugar at silid-aralan sa Imus Pilot Elementary School. Madaming mga madadagdag sa paaralan kaya ito naman ay kaabang abang!
|
71 NA BAGONG SILID MAGAGAMIT NA! Magbubukas na at mapakikinabangan na ng mga mag- aaral ng Imus Pilot Elementary School ang ilan sa apat na bagong gusali ng paaralan matapos ang humigit-kumulang na dalawang taon konstruksyon. Magkakaroon ng 71 bagong silid-aralan mula apat na naturang gusali: isang 3-storey, 15-classroom; 4-storey, 16-classroom, at dalawang 4-storey, 20-classroom. Ayon kay Norman E. Bayos, building head ng paaralan, isinunod ang disenyo ng gusali at mga silid- aralan sa itinakdang standard ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Education (DepEd). Ayon naman kay Jocelyn Limosinero, punong-guro ng paaralan, lilipatan ng mga mag-aaral mula Grade 2 hanggang Grade 5 ang mga bagong gusali.Bukod sa 4 na gusali, may isang gusali pa na nakalaan naman sa mga mag-aaral na SPED ang kasalukuyan pang itinatayo at inaasahang magagamit sa mga susunod na taon.
|
|
KAUNA- UNAHANG SUMMER READING PROGRAM SA IPES Tagumpay ang kauna-unahang pagsasagawa ng Summer Reading Program sa Imus Pilot Elementary School na idinaos noong Abril 10 hanggang Mayo 10, 2018 sa pangunguna ni Salvacion C. Subong, Master Teacher II sa unang baitang, katuwang ang 65 na guro mula sa iba’t ibang baitang. Nilahukan ng 177 na mga mag-aaral mula unang baitang hanggang sa ika-anim na baitang na hindi makabasa at walang kasanayan sa pagbasa ang nasabing programa. Ayon kay Subong, layunin ng programa na makabasa ang lahat ng kalahok nang may pang-unawa, mapalawak ang kaisipan, at magkaroon ng interes sa pagbabasa. Upang maisagawa ito, nagkaroon ng pagpupulong ang mga guro kasama ang punongguro na si Dr. Jocelyn A. Limosinero upang mapagplanuhan ang mga dapat gawin kasunod nito ang pag-anyaya sa mga magulang ng mga mag-aaral na kasali sa programa. “Ilan sa mga dahilan kung bakit hindi nakakapagbasa ang mga mag-aaral ay dahil sa kakulangan ng atensyon ng mga magulang, learning disability, at kawalan o salat sa buhay. Ngunit hindi dapat gawing dahilan ito ng mga magulang at mag-aaral bagkus, epektibo kung may pagtutulungan ang mga guro, bata, at magulang upang mabigyan ng dekalidad na edukasyon lalong-lalo na sa pagbabasa,”ani Subong. Sa pamamagitan ng ginawang interbasyon at iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa ng mga guro, mula 177 na mag-aaral, 164 sa kanila ang natutong magbasa nang may pag-unawa at kinakitaan na rin ng interes sa pagbabasa. “Nagpapasalamat ako sa mga guro na nagbigay ng dedikasyon, pagtitiyaga, pag- iintindi at pagmamahal. Dahil dito, naging matagumpay ang Summer Reading Program,” ani Subong
|